Bitch. Maldita. Perfectionist.
Iyan ang pagkakakilala ng mga staff at ng mga kapwa artista kay Shivani Dizen sa Milestone Entertainment.
Sa harap ng camera, isa siyang perpektong leading lady. At sa loob ng dalawang taon ay pilit niyang iningatan ang career at love team niya at siniguraong walang iskandalo, walang kontrobersiya, at walang bahid ng kahit anong dumi ang pwedeng makalabas na makakasira sakanila.
Pero paano kung ang mismong ka-love team niya ang sumira sa lahat?
At paano kung ang tanging taong kayang sirain ang mga pader na itinayo niya sa paligid ng sarili niya... ay ang misteryosong manager na hindi man lang natatakot sa kanya?
Hanggang kailan niya kayang magpanggap na okay lang ang lahat?
Hanggang kailan siya magpapanggap na perpekto siya kung ang puso niya ang unti-unting nagiging pinakamalaking panganib sa career niya?
All Rights Reserved