ELEMENTAL SERIES #1
Sa mundong hati ang mga elemental wielders sa apat na uri-Class A (Divine), Class B (Titans), Class C (Nymphs), at Class S (Primordials)-anim lang ang kilalang elemento: Light, Fire, Water, Earth, Technology, at Wind. Isa lang ang itinuturing na Primordial sa bawat elemento, ang mga piling mag-aaral na nakatadhanang maging Prime Magister ng kani-kanilang kaharian pagkagraduate.
Ngunit niyanig ang kabuuan ng akademya nang dumating si Dameon-isang transferee mula sa mortal world. Dahil sa hindi maipaliwanag at sobrang lakas ng kapangyarihang taglay niya na pwedeng ikamatay kahit ng Class A wielders, napilitan ang School Board na ilagay siya sa eksklusibong Primordial Section.
Dito nagsimula ang matitinding katanungan ng lahat:
Kumpleto na ang anim na Primordials at may kani-kaniyang elemental marks-bakit nakapasok si Dameon nang walang elemental mark?
Panibagong elemento ba ang taglay niya, o isang kapangyarihang matagal nang ibinaon sa limot?
Sino nga ba talaga si Dameon, at ano ang tunay niyang bahagi sa nakatakdang kapalaran ng mundo?
Sa mundong sinusukat ang lakas sa marka ng elemento, paano naging Primordial ang isang taong walang markang maipakita? Ang lakas ni Dameon ay hindi lang mapanganib-ito ay isang lihim na pwedeng magpabagsak sa buong daigdig.
All Rights Reserved