Kung Wala Kang Gagawin Habambuhay kang magiging tagahanga Nakaabang sa bawat pagdating niya’t pag- alis Gigising ka sa bawat umaga Nang walang ibang nais kundi ang sundan siya Mananatili kang isang usisero Na nakamasid lang lagi at nakatanghod Hindi ka aalis sa likod niya Na para bang alila ka ng isang artista. Isipin mo Kung hindi ka kikilos Magiging mas malungkutin ka Dahil kahit nandiyan ka Di ka naman niya nakikita. Mas napapansin pa niya ang mga halaman at poste Mas nararamdaman pa niya ang malamig na hangin Baka mas may kiliting hatid pa ang ambong dumampi sa balat niya. Alam mo Hindi mo naman kailangang biglain Higit na mas kapana- panabik ‘pag ginawa mo nang dahan- dahan Hindi mo rin kailangang magmadali Baka matakot naman siya sa ikikilos mo Simulan mo sa paminsan- minsang pagtango Kumustahin mo ang bawat umaga, tanghali, hapon at gabi niya Ipakita mong lagi kang interasado sa mga ginagawa niya Kung naiiyak na siya, Bigyan mo ng panyo pero hayaan mo lang Kapag masaya naman siya Samahan mo sa pagtawa At makinig ka lang lagi sa bawat kwento niya. Dalawa lang naman ang maaaring mangyari Ang palarin ka’t swertehin O ang malugmok ka at malasin Hindi madali ang sumuong sa ganitong laro. Wala rin itong pangakong magandang bukas. Tanging ang Diyos lang Ang nakaaalam kung ano ang pwedeng mangyari. Bagaman walang sigurado sa gagawin mo Hindi ka tatandang tinatanong ang sarili mong, “Paano kung may ginawa ako?”.All Rights Reserved
1 part