Diary Ni Lee!
Bilang isang eskandalosa at elitistang manunulat, umuwi si Lee from Las Vegas para muling hanapin ang sarili; o sa salita ng best friend niya: "...para magkaroon man lang ng buhay 'yang mga sinusulat mo!"
Kaya naman sa lumang bahay kung saan siya lumaki, sa kaniyang pinaglumaang silid, sa hindi inaasahang lugar (ilalim ng kama), natagpuan niya ang isang diary kung saan bitbit ang mga ala-ala ng kabataan niya. Doon, muling nabuksan at nahalukay ang samu't saring emosyong matagal na niyang tiniklop, isinantabi, at binaon sa limot.
O, samahan niyo si Lee sa pagdiskubre sa kaniyang sarili, depinisyon ng buhay, at sa paghahanap sa kaniyang ultimate first love!
A hybrid epistolary.