Si Cap is simpleng probinsyana lang na galing sa bukid. Sanay siya sa tahimik na life, sa putik, sa trabaho sa palayan, at sa araw-araw na paulit-ulit na buhay na wala masyadong ganap. Hindi siya maganda sa paningin ng iba, hindi rin siya yung napapansin, and okay lang sa kanya before yun.
Pero nagbago lahat nung pumasok siya sa isang school na hindi niya talaga kabisado.
Dun niya nakilala si Jacob John Heath Alessandro Montemayor - rich, cold, at yung tipong lalaki na isang tingin pa lang parang nakakatakot na. Hindi siya yung friendly type, hindi rin siya yung may pake sa feelings ng iba.
At si Cap... siya yung naging target.
Hindi agad, hindi biglaan. Pero araw-araw, may konting sakit. May mga salita, may mga tingin, may mga bagay na ginagawa na parang wala lang sa kanila pero unti-unting bumabasag kay Cap.
Hanggang sa hindi na niya namamalayan, unti-unti na siyang nawawala sa sarili niya. Parang everyday na lang she's trying to survive lang, hindi na mabuhay talaga.
At yung pinaka masakit?
Walang nakapansin na nasasaktan na siya.
All Rights Reserved