"Hoy, Em-em! Ba't ganyan itsura mo? Parang pasan-pasan mo na naman buong daigdig!" sabi ni kuya ko habang tumatawa.
Hindi ko siya pinansin at dumiretso na lang kami sa tusok-tusok sa tapat ng school habang hinihintay ang panganay naming kuya.
Habang ngumunguya ako ng fishball na galing sa kawali ni Manong, tahimik lang akong nag-iisip kung paano ko sasabihin na wala na akong pera.
"Kuya..." mahina kong tawag.
"Ano" sagot niya.
"Kuya..." ulit ko.
"Ano na naman? Kakaltukan kita. Kuya ka nang kuya, para kang siraulo. Sabihin mo na kasi kung anong sasabihin mo. Hindi ka pa nagbabayad, tusok ka nang tusok," sabi niya habang tumatawa.
Kinabahan ako.
"Kuya... pautang naman please. Wala akong pambayad. Naiwan ko wallet ko sa bahay," sabi ko habang halos naiiyak.
Akala ko maiintindihan niya ako.
Pero ang ginawa niya?
Tumawa siya nang malakas.
Kinuha niya ang natitirang kwek-kwek niya, isinubo lahat, at tumakbo papunta sa kuya namin na naka sakay na sa tricycle
Napatigil ako.
Hindi ko alam kung hahabulin ko siya o iiyak na lang ako.
Tumingin ako kay Manong na parang humihingi ng tulong.
Napatawa siya.
"'Ne, huwag kang mag-alala. Binayaran na ng kuya mo lahat ng kinain niyo. Kanina ka pa nakatulala habang kumakain kaya hindi mo napansin," sabi niya habang pinipigilan ang tawa.
Napahiya ako.
Akala ko tapos na ang kahihiyan ko...
Pero pagtalikod ko, nakita ko ulit ang isang lalaking kumakain ng kwek-kwek sa likod ko.
Siya yung lalaking tumawa sa akin kanina.
Nagkatitigan kami.
At imbes na umiwas siya...
Tumawa pa siya.
Sinamaan ko na lang siya ng tingin.
"Lah baliw kainis pogi pa naman sabay tawa," bulong ko sa sarili ko.
Todos os Direitos Reservados