Ang koleksiyong ito ay binubuo ng mga kathang-isip na hinaluan ng mga alamat, paniniwala, urban legends, at mga kuwentong narinig ko mula sa iba't ibang tao. Bawat kabanata ay magdadala sa iyo sa isang mundong puno ng hiwaga, takot, at mga lihim na maaaring mas mabuting manatiling nakatago. Totoo ba ang mga ito? O bunga lamang ng imahinasyon? Ikaw na ang bahalang humusga. Isang paalala lamang... baka hindi mo na gustong lumingon kapag natapos kang magbasa.
Babala: Kung balak mong basahin ang librong ito pagsapit ng hatinggabi, siguraduhin mong kaya mong tapusin ang bawat kuwento. Dahil may mga kuwento na, kapag nasimulan mo na... pakiramdam mo ay hindi ka na nag-iisang nagbabasa.
All Rights Reserved