Sa loob ng mabangong bakery shop kung saan abala si Dalilah sa paggawa ng mga desserts, palagi niyang bitbit ang kanyang tahimik na mundo. Isang mahiyaing omnivert na nakatago sa likod ng kanyang eyeglasses, may mga random bunny habits na hindi niya namamalayang nakakabihag na pala, at may lihim na pangarap sa isang perpektong green flag sa hinaharap.
At isang hapon, bumukas ang pinto.
Pumasok si Yael-matangkad, naka-glasses, isang certified stunna boy na may clean outfit na tila hinugot diretso mula sa kanyang mga pangarap. Mukha itong seryoso at nonchalant sa unang tingin, pero sa likod ng counter, habang nagkakatinginan sila, may kakaibang koneksyon na agad na naramdaman si Dalilah. Hindi lang ang panlabas nitong kakisigan ang nakakuha sa kanya, kundi ang isang soft-hearted soul na tila naghihintay lang din na may magmahal sa kanya.
Gusto na niyang maglulundag sa kilig at mamula, pero pinilit ni Dalilah na mag-act normal at maging cool. Hindi niya alam, ang nonchalant na lalaking nasa harap niya... ay handang-handa nang maging pinakamalambing na cuddler para sa kanya.
All Rights Reserved