Raven Ignacio, isang self-proclaimed demonyong itinaas ng impyerno sa lupa dahil sa kaniyang mega, ultra, unstoppable, unbeatable, unmatchable dark gothic fashion and aura. When in fact, dark clothes, things, and eyeliner lang naman ang itim sa kaniya.
Charles, ang famous at gwapong crush ng best friend ni Raven na si Yaya. Chinito at maputing STEM student ng kanilang paaralan.
Isang araw, habang patungo sa CR narinig niya itong nakikipagtalo sa star player ng kalabang school sa basketball. Star player na mas obvious na MAS gwapo, MAS magaling maglaro, at MAS matangkad kay Charles.
Pero teka? May gf na si Charles? Ang campus sweetheart ng kanilang paaralan ay taken na? Kabit si Charles? Kasali sa polygamy relationship si Charles?
Anong gagawin ni Raven sa mga impormasyong - wala siyang kasiguraduhan kung totoo- patungkol sa taong kinaiinisan niya? Magandang ideya ba ang gawin itong blind item sa kanilang campus radio show o hayaan na lang niya itong natural na madiskobre ng kaibigang si Yaya?
All Rights Reserved