What if reincarnation wasn't a blessing... but a mistake? Sa mundong pinamamahalaan ng Threads of Fate, bawat tao ay may nakatakdang kapalaran-at isang beses lang silang pinapayagang mabuhay. Walang second chance. Walang reincarnation. Walang exception. Hanggang sa isang gabi, isang babaeng hindi dapat umiiral ang nagising sa gitna ng isang kagubatan na walang maalala kahit sariling pangalan. Ngunit habang hinahanap niya ang katotohanan, nagsisimulang maputol ang mga sinulid ng kapalaran ng mga taong nakakasalamuha niya. At sa bawat sinulid na napuputol... May isang nakalimutang lihim na muling nagigising. Tinawag siya ng mundo bilang isang halimaw. Tinawag siya ng mga diyos bilang isang pagkakamali. Pero may isang tanong na walang makasagot... Kung walang reincarnation... bakit siya nabuhay?
More details