Franksen Sei Valentino spent most of his life in Italy, where discipline and the unforgiving world of professional kitchens shaped him into one of the country's most promising young chefs. Confident, fearless, at sanay makuha ang gusto niya, he believes every problem has a solution as long as emotions stay out of the way.
Pero hindi siya bumalik sa Pilipinas para magbakasyon.
Pinauwi siya ng kanyang lolo para tuparin ang isang mahalagang misyon, isang misyong balak niyang tapusin agad bago bumalik sa Italy.
Everything was under control... hanggang sa isang araw, nasalo niya ang isang babaeng muntik nang bumagsak.
Yvaine Alarcon is the complete opposite. Tahimik at hindi naghahanap ng atensyon. Sa likod ng kalmadong mukha ay isang babaeng determinadong abutin ang kanyang mga pangarap, kahit gaano pa kahirap ang daan.
Isang hindi inaasahang pagkakataon ang nagtagpo sa kanilang landas.
Habang sinusubukan ni Franksen tapusin ang misyong ipinagkatiwala sa kanya at patuloy namang hinahabol ni Yvaine ang kanyang mga pangarap, unti-unti nilang natutuklasan na may mga bagay na mas mahalaga kaysa sa tagumpay.
Sa pagitan ng mga pangarap na nais nilang abutin at mga responsibilidad na hindi nila matakasan, matututuhan nilang hindi lahat ng pagdating sa destinasyon ay kailangang planado
Because sometimes, the greatest achievement isn't becoming the best.
Sometimes... it's finding the person who makes every dream worth chasing.
At minsan, ang pinakamasarap na recipe sa buhay ay hindi naluluto sa kusina, nabubuo ito sa dalawang pusong piniling manatili sa isa't isa.
All Rights Reserved