Apat na binata na dala dala ang kani-kanilang makapangyarihang pangalan at isang lihim na maaaring sumira sa kanilang lahat.
Sa unang araw ni Sussie bilang scholar sa isang prestihiyosong unibersidad, hindi niya inaasahang masasangkot siya sa buhay ng tinaguriang Big 4, sina Dion Ayala, Harold Lei, Sam Concepcion, at Mark Yu. Sila ang pinakamayaman, pinakahinahangaan at pinakasikat na grupo sa campus. Ngunit sa likod ng kanilang perpektong imahe ay isang kontrobersiyang pilit nilang tinatakasan.
Isang estudyante ang natagpuang patay sa gitna ng retreat sa Ilocos. Itinuring itong pagpapakamatay, ngunit patuloy ang iba't-ibang bulung bulungan tungkol sa dito, tila isang lihim na ayaw ilantad ng Big 4.
Sa pagitan ng pag ibig, kapangyarihan, at isang gabing nabalot ng kamatayan, dapat bang pagkatiwalaan ang Big 4?
At paano kung ang lalaking pinakakinamumuhian niya ang siya palang handang isakripisyo ang lahat para sa kanya?
All Rights Reserved