Para kay Destiny Alejandro, ang tadhana ay hindi isang magandang regalo-ito ay isang serye ng mga unlucky coincidences. Isang ultra-seryosong Business Administration student, binuo niya ang buhay niya sa campus na may isang simpleng layunin: maging maingat, planado ang lahat, at umiwas sa kahit anong bagay na nakasalalay sa tsamba o sa chance.
Add shut
Ngunit sa kabilang dulo ng campus, nakatira ang kabaligtaran niya.
Si Chance Rave Mercado ay isang mapang-asar at mayabang na Engineering student na naniniwalang ang buhay ay isang malaking equation na kayang lutasin ng lohika. Hindi siya naniniwala sa aksidente, at mas lalong hindi siya naniniwala sa tadhana.
Nang dahil sa di sinasadyang aksidente magtatagpo ang kanilang landas. Ang magkaiba nilang universe ay biglang magbabanggaan sa isang walang katapusang digmaan ng asaran at bangayan.
Sa gitna ng mga corrupted project files, late-night drive sa Space Valley, at mga seryosong titig sa ilalim ng slow jazz, unti-unting magbabago ang takbo ng kanilang mga plano. Paano kung ang lalaking itinuturing ni Destiny na pinakamalaking malas sa buhay niya, ay siya palang magpapatunay na ang destiny ay totoo?
Minsan, kailangan mo lang palang sumugal sa hindi inaasahang pagkakataon para mahanap ang iyong walang hanggan.
CapriceKiara🫶
Seluruh Hak Cipta Dilindungi Undang-Undang