Behind the Spotlight
Some people are meant to shine.
At alam ni Georgie na ganoon si Gabriel. Siya iyong tipo na totoong may talento na hindi dapat itinatago, kundi ipinapakita sa maraming tao.
Pero pinili niyang magtago sa dilim para sa tahimik na buhay, malayo sa liwanag na naging dahilan ng hindi nila pagkakaunawaan ng kanyang kapatid.
Maayos na sana ang plano niya, hanggang sa dumating si Georgie. Isang baliw, makapal ang mukha, walanghiya, at higit sa lahat, isang takas sa mental na bakla.
Sa kagustuhan nitong maging manager ni Gabriel at balang-araw ay makinabang sa pagsikat nito, pinilit niya itong balikan ang mga bagay na matagal na nitong iniwan.
At sa kasamaang-palad para kay Gabriel, nagtagumpay ang baliw. Muli niyang naibalik si Gabriel sa ilaw na minsan na nitong iniwan.
Kasama na rin ang walang katapusang panggugulo, mga kalokohan, mga away na hindi naman kailangang maging away, at isang relasyong unti-unting naging higit pa sa pagiging magkaibigan.
Pero habang mas lalong bumabalik si Gabriel sa liwanag, siya naman ay unti-unting nawawala sa dilim.
Sa pagitan ng tawanan, kalokohan, selosan, at isang pag-iibigang hindi nila planong mangyari, muli ba nilang matatagpuan ang isa't isa na nakatayo sa iisang ilaw, kung saan wala nang isa man sa kanila ang kailangang magtago sa likod ng liwanag?