Malupit ang tadhana kung minsan, mapaglaro si Kupido kadalasan, at magulo ang pag-ibig kung titingnan. May mga bagay na kakaiba man ay hindi maipagkakailang pamilyar; ang minsan ay nagiging madalas, at ang madalas ay nagiging minsan.
"Kay init ng inyong mga palad, Binibini; animo'y sa munting dampi ng mga daliri'y napapawi ang ginaw na matagal nang nananahan sa aking kalamnan. Datapuwa't nang muli ko kayong hanapin sa aking piling, kayo'y naglaho-mistulang hamog na tinangay ng hanging walang iniwang bakas. Ang naiwan na lamang sa aking palad ay ang gunita ng init na minsang naging tahanan ng aking mga kamay."
- R
Imposible o possible?
May mga tanong na hindi nangangailangan ng sagot, at may mga sagot na sadyang hindi natin kayang tanggapin. Ngunit alin nga ba ang higit na mahirap-ang mabuhay nang walang kasagutan, o ang malaman ang masakit na katotohanan?
"Ipagpaumanhin mo ang aking kapangahasan, Ginoo, kung dumating man ang araw na ako'y hindi na matagpuan. Huwag mo sanang ipagpalagay na ika'y aking nilimot. Sapagkat kung ako man ay mapalayo, ang isang bahagi ng aking puso'y mananatiling nakatanaw sa lugar na aking iniwan-at sa taong hindi ko kailanman ibig na iwan."
- H
Imposible rin bang ang isang tao ay magkaroon ng dalawang kapalaran-dalawang landas na kapwa tunay, ngunit hindi maaaring sabay na tahakin?
At kung ang ilang mga liham ay hindi lamang kapirasong papel na nilamon ng panahon, marahil ang mga ito'y mga alaala ng mga pusong naiwan at pinagkaitan ng pagkakataon.
Marahil, may mga pusong unang nagkikita bilang mga estranghero, sapagkat maging ang tadhana'y may sarili nitong paraan ng paglalaro-isang paglalaro sa damdaming hindi dapat sumibol at sa kapalarang hindi dapat nagtagpo.
Todos os Direitos Reservados