Anim na taon siyang sinisi, kinamuhian, at pinarusahan ni Hunter Deogracia-ang lalaking nangakong mamahalin siya habang-buhay. At sa pagtakbo ni Carissa mula sa impiyernong iyon, may isinilang siyang munting buhay na tanging patunay ng pag-ibig na hindi niya nakalimutan. Dalawang taon ng katahimikan ang lumipas, hanggang sa muling kumalampag ang tadhana: ang anak niyang si Aramir ay nangangailangan ng bone marrow donor-at tanging ang ama nito na labis ang galit sa kanya ang makapagliligtas. Ngayon, napipilitan siyang bumalik sa lalaking minsang nagwasak sa kanya... at maaaring muli na namang gumuho ang lahat. Sa pagbabalik na ito, alin ang mas mananaig- ang pusong nananatiling umiibig, o ang pusong hindi pa rin natututong magpatawad?
Más detalles