14 parts Complete MatureMay isang kuwento na hindi pa nailalathala. Isang kuwento ng pag-ibig na ngayon pa lamang mabibigyan ng buhay. Nagsimula ang istorya sa dalagang si Monica, nag-iisang anak na babae sa angkan ng mga kapulisan. Dahil nag-iisa siyang babae, pasan niya ang mataas na pagtingin sa kanya na sa huli magiging gaya rin siya ng mga kuya niya.
Ngunit isa siyang malayang ibon na walang ginawa kondi maging masaya lang at maging kontento. Sa ugali niyang ito kaya siya madalas iwan ng mga taong mahal niya at dahil din dito ay dumating sa punto na itinakwil siya ng ama.Si Yulo naman ang matalik niyang kaibigan na siyang madalas pumupunas ng kanyang mga luha. Siya ay isang criminology student na gusto ng lahat ng tao para sa kanya kabilang ang kanyang mga kaibigan at magulang. Sa madaling salita, walang balakid kung sila man ay magkatuluyan. Ngunit, para kay Monica, ang lahat ng kanyang minamahal ay nakikita niya bilang isang asawa. At iyon ang hindi niya magagawa pagdating kay Yulo. Ngunit sa hindi sinasadyang pagkakataon, siya ay umibig nang hindi niya inaakala. Siya ba ay susugal sa isang laban kahit hindi niya batid ang kahahantungan?