Ako si Liza. Sa mga kaklase ko, ako ang "killjoy." Habang sila ay nagkakagulo, sumasayaw, at nagtatawanan sa mga handaan-ako, nakaupo lang sa sulok, nagbabasa ng libro o tumitingin sa labas ng bintana. Hindi ako mahilig sa ingay, hindi ako mahilig magpapansin. Mas gusto ko ang tahimik na mundo ko.
Tapos nandoon si Gio.
Ang pinakasikat na lalaki sa buong paaralan. Matangkad, gwapo, laging maayos manamit, at maraming humahanga sa kanya. Pero para sa akin? Siya yung masungit, palaging nakataas ang kilay, at parang mas higit pa siya sa lahat ng tao. Minsan akala mo ayaw ka niyang pansinin kahit nasa harap mo na siya.
Akala ko ay laging ganun-siya ang nasa gitna ng atensyon, at ako yung nasa gilid lang.
Pero paano kung ang taong akala mong hindi ka mapapansin... siya pala ang lihim na nakatingin sa'yo?
Todos os Direitos Reservados