Nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa bawat salitang binibigkas mo kapag nagkukwento ka sakin tungkol sa mahal mo. Kung pano ka niya napapasaya. Kung pano niya nabubuo yung araw mo sa simpleng ngiti lang niya. Kung gano mo siya kamahal, na kapag iniwan ka niya, hindi mo alam ang gagawin mo. Pero wag kang mag-alala, Ok lang yun. Ayos lang ako. Kaya ko. Kahit gano pa kasakit, titiisin ko. Kahit gano pa kalalim yung sugat sa puso ko, Kakayanin ko. Mahal kasi kita eh. Tsaka.. KAIBIGAN mo ako. -Kath