Si Lucian Valmont, ang malamig at walang pusong CEO ng Valmont Holdings Corporation, ay kilala bilang isa sa pinakabatang bilyonaryo sa bansa. Sa labas, isa siyang respetadong negosyante. Sa ilalim ng kanyang pangalan, may mga lihim na hindi dapat mabunyag.
Samantala, si Arielle Monteverde ay isang college student sa Crestmont International University. Maganda, mabait... pero sobrang lutang. Nawawala ang cellphone, naliligaw sa sarili niyang classroom, at minsan pati sariling iniisip ay hindi niya masundan.
Isang simpleng pagkakamali ang nagdala sa kanya sa mundo ni Lucian.
Mula sa pagiging ordinaryong estudyante, bigla na lang siyang napasok sa buhay ng CEO na sanay kontrolin ang lahat.
"You're mine now."
Akala ni Arielle, biro lang iyon.
Hindi pala.
Sa gitna ng nakakatawang kalutangan ni Arielle at ng mapanganib na mundo ni Lucian, unti-unting mabubuo ang isang pag-ibig na puno ng sikreto, obsession, at mga desisyong maaaring sumira sa kanilang dalawa.
Kapag ang isang lutang na babae ang nakabangga ng lalaking hindi marunong magpakawala...
Sino ang unang bibigay? Ang puso... o ang isip?
Todos os Direitos Reservados