Mula A hanggang Z, hindi lang mga letra ang nagtatago sa bawat pahina-kundi mga nilalang na matagal nang nag-aabang sa dilim. Sa bawat sulok ng kapuluan, may mga kwentong isinilang sa takot at ibinulong ng hangin sa gitna ng gabi. Mula sa kilalang lipad ng Manananggal at huni ng Wakwak, hanggang sa mga nakalimutang anino tulad ng Rabot at Quingking, binubuksan ng nobelang ito ang pinto sa pinakamadidilim na bahagi ng mitolohiyang Pilipino. Dalawampu't anim na letra. Dalawampu't anim na kakatwang nilalang. Dalawampu't anim na kwento ng sindak at kababalaghan. Siguraduhin mong nakasusi ang iyong pinto bago mo buksan ang unang pahina-dahil kapag binasa mo ang kanilang mga pangalan, malalaman nilang kilala mo na sila.
More details