SYNOPSIS
Dinala si Phoebe Dasom Park ng pamilya niya sa South Korea noong high school para paghandaan ang paghawak sa kumpanya nilang Dasom Beauty. Boring at tahimik ang buhay niya sa Seoul, maliban sa isang pangarap na lihim niyang tinitingnan mula sa malayo-si Lauren Hana Lee.
Half-Canadian, half-Korean, at ang pinakasikat na top-earning superstar sa Korea. Si Lauren ang definition ng perfect sa harap ng camera, pero sa likod nito, isa siyang matapobre, mayabang, at homophobic na divang gagawin ang lahat para maingatan ang kaniyang pristine image.
Nang maging project head si Phoebe para sa bagong skincare line ng kumpanya, pilit na kinuha ng board si Lauren bilang brand ambassador. Biglang naging impyerno ang dream come true ni Phoebe. Ginawang miserable ni Lauren ang mga araw niya sa shooting, mula sa panlalait hanggang sa pagtrato sa kaniya na parang walang kwentang amateur.
Lumala ang lahat nang pumutok online ang isang lumang blog entry noong college pa si Phoebe, na nagre-reveal ng matagal na nitong lihim na paghanga sa artista.
Galit at diring-diri na sinugod ni Lauren si Phoebe. Ipinamukha niya rito kung gaano kadiri para sa kaniya ang magustuhan ng kapwa babae, at pinag bantaang sisirain ang milyun-milyong kontrata kapag hindi ito lumayo.
Pero trapped silang dalawa sa kontrata. Para maisalba ang bagsak na reputasyon ni Lauren at ang puhunan ng kumpanya, ginawan sila ng paraan ng management, isang forced domestic promo tour sa buong Korea na silang dalawa lang ang magkasamang haharap sa publiko.
Sa gitna ng biyahe, malayo sa mga camera at glam team, napilitan si Lauren na makasama ang babaeng ginawa niyang miserable ang buhay. At habang nananatiling matatag at propesyonal si Phoebe sa kabila ng panlalait, dahan-dahang magkakalamat ang matigas na puso ni Lauren-forcing her to confront her own ugly prejudice and the girl who sees right through her.
All Rights Reserved