"Some friendships aren't measured by how long you stay together, but by how deeply they change you."
Noong 2015, anim na magkakaibang estudyante ang hindi inaasahang pinagtagpo sa isang pampublikong high school sa Laguna.
Si Maria Isabel, ang prangkang ambivert. Si Abegail, ang matalinong sandalan ng barkada. Si Carol, ang mabait at maka-Diyos. Si Erika Mae, ang business-minded na laging may bagong diskarte. Si Jaywin, ang pasaway na hindi nauubusan ng kalokohan. At si Joshua, ang joker na kayang patawanin ang lahat kahit sa pinakamahirap na araw.
Sa loob ng silid-aralan, canteen, covered court, at mga pasilyo ng paaralan, nabuo ang isang pagkakaibigang hindi nila inaasahang magiging pinakamahalagang bahagi ng kanilang kabataan.
Mula sa walang katapusang tawanan, nakakakabang recitation, group projects, intramurals, Christmas party, at mga simpleng kuwentuhan pagkatapos ng klase, unti-unti nilang natuklasan na ang pinakamagagandang alaala ay hindi kailangang engrande-minsan, sapat na ang magkaroon ng mga taong handang samahan ka sa bawat araw.
Ngunit habang papalapit ang pagtatapos ng high school, unti-unti ring nagbabago ang lahat. Dumating ang panahon na kailangan nilang tahakin ang kani-kanilang mga pangarap, kahit nangangahulugan itong magkalayo.
The Six of Us is a heartfelt coming-of-age story about friendship, laughter, growing up, and the beautiful truth that although life may lead us to different paths, the people who helped shape us will always have a place in our hearts.
Because some friendships don't end after graduation-they become the memories we carry for a lifetime.
All Rights Reserved