Akala ni Luna Valdez ay nahanap na niya ang perpektong buhay.
Bilang isang simpleng guro, ang tanging pangarap niya ay tahimik at masayang buhay kasama ang kanyang asawang si Ocean Voss, isang matagumpay na businessman na sa mata ng lahat ay isang perpektong asawa.
Mapagmahal. Responsable. Maalaga.
Ngunit nagbago ang lahat nang bumalik ang kambal ni Ocean, si River Voss.
Ang lalaking minsan niyang kilala ay isa nang misteryoso, rebelde, at mapanganib na lalaki na tila puno ng galit at sakit. Sa unang pagkikita nila, hindi naging maganda ang kanilang pagtatagpo.
Magulo si River, palaging nang-aasar, at tila may kakaibang interes sa kanya tuwing wala ang kanyang asawa.
Ngunit habang tumatagal, natuklasan ni Luna ang isang bagay na hindi niya inaasahan.
Sa likod ng magaspang na personalidad ni River ay isang lalaking marunong magmalasakit. Siya ang tumutulong sa kanya sa mga sandaling kailangan niya ng suporta at siya rin ang unti-unting nagpapakita ng mga bagay na matagal nang hindi napapansin ni Luna sa sarili niyang tahanan.
Ngunit bago pa niya maunawaan ang kanyang nararamdaman, isang pangyayari ang magbubunyag ng lihim na matagal nang itinago.
Hindi pala lahat ng pagmamahal ay totoo.
Hindi pala lahat ng proteksyon ay kabutihan.
At ang lalaking akala niyang kilala niya nang lubos ay may lihim na kayang sirain ang buong buhay niya.
Habang nabubunyag ang mga kasinungalingan, kailangang harapin ni Luna ang pinakamapanganib na tanong:
Sino ba talaga ang halimaw sa pagitan ng dalawang kambal?
Ang lalaking pinakasalan niya, o ang lalaking matagal niyang kinatakutan?
Dahil sa likod ng isang perpektong buhay ay maaaring may isang napakalaking kasinungalingan. At minsan, ang taong inaakala mong panganib ang siya palang magliligtas sa'yo.
Tutti i diritti riservati