His Zaira
Sa isang unibersidad kung saan uso ang tsismis, kompetisyon, at mga pusong madaling masaktan, isang pangalan lang ang halos lahat ay kilala-Aeron Valencia. Matalino, gwapo, at halos perpekto sa paningin ng iba. Pero sa likod ng ngiti niya ay isang pusong matagal nang isinara.
Hanggang sa dumating si Zaira-ang simpleng babaeng walang balak mapansin, pero siya ang unti-unting nagpagulo sa tahimik na mundo ni Aeron.
Mula sa simpleng bangayan, naging pagkakaibigan. Mula sa pagkakaibigan, naging damdaming pareho nilang kinatatakutan.
Ngunit sa campus, hindi lang grado ang sinusubok. May mga lihim, selos, at taong gagawin ang lahat para paghiwalayin sila.
Sa huli, mananatili bang His Zaira... o magiging isa na lang siyang alaalang hindi na maibabalik?
All Rights Reserved