Buong buhay ni Angela "Gela" Capulong, iisa ang itinuro sa kanya ng mga taong dapat sana'y unang nagmahal sa kanya: kailangan niyang maging kapaki-pakinabang upang piliin.
Kaya nang may isang lalaking nagbigay sa kanya ng oras, pag-aaruga, at pakiramdam na mahalaga siya, ibinigay niya rito ang lahat-hanggang sa matuklasan niyang ang pag-ibig na pinanghawakan niya ay nagsimula lamang sa isang pustahan.
Matapos ang isang gabing muntik nang maging huling paghinga niya, iniwan ni Gela ang dating buhay at nagtungo sa Baguio. Doon, sa gitna ng mga bulaklak, bagong pagkakaibigan, at mga desisyong siya mismo ang gumawa, nakilala niya si Laurence "Rence" De Vera-isang lalaking tila puno ng buhay ngunit palihim na nauubusan ng panahon.
Habang natututo si Gela na muling magmahal, kailangan niyang harapin ang tanong na buong buhay niyang iniiwasan:
Kapag nawala ang mga taong ginawa mong dahilan upang mabuhay, kaya mo pa bang piliin ang sarili mo?
*Sa Bawat Paghinga* is a story of love, grief, trauma, and second chances-not a promise that everything will be all right, but a reminder that hope may still exist in the next breath.
Dahil hindi natin napipili ang lahat ng nangyayari sa atin.
Ngunit ang susunod na hakbang-anumang landas ang tahakin natin-ay maaari pa ring manatiling atin.
Todos los derechos reservados