Sila ang laging kontrabida. Sila ang tinaguriang anay ng isang masayang pamilya. Sila ang dahilan kung bakit nawawasak ang isang relasyon. Pilit pinuputol ang bigkis ng dalawang nagmamahalan. Sa kanila lahat ng sisi kung bakit nag kakawatak watak ang pamilyang pinagbukod ng pagmamahalan. "Walang hiya kang kabit ka!" "Mas masahol ka pa sa aso!" "Pera lang ang habol mo sa asawa ko!" "Parausan ka lang niya!" "Makati ka! asawa ng may asawa pinapatulan mo! maledukada!" Yan ang kalimitan nating naririnig mula sa bibig ng isang legal na asawa. Dahil sila ang may karapatan, sila ang pinakasalan, sila ang unang minahal, at higit sa lahat nasa kanila ang apelyidong ipinaglalaban. Pero paano na lamang kapag nalaman mong dahil sa kabit ng asawa mo ay mabuhay ka? Paano na lamang kapag nalaman mong dahil sa kabit ng asawa mo muling nabuo ang pamilya mo at maranasan ang kasiyahan na matagal mo ng inaasam asam? Magbabago kaya ang tingin mo sa kanya at malaman mong ikaw pala ang kontrabida?