Si Mich/Anna Vida De Alegre ay lumaki na may maraming tanong tungkol sa kanyang pagkatao at nakaraan. Sa kanyang pagbabalik sa mundo ng mga De Alegre, unti-unting lumilitaw ang mga lihim na matagal nang itinago ng kanyang pamilya.
Sa kabilang banda, si Adrian Olvidar ay isang lalaking sanay mamuhay sa ilalim ng pangalan at kapangyarihan ng kanilang pamilya. Hindi niya inaasahang ang babaeng makikilala niya ay magiging susi sa isang katotohanang matagal nang nakabaon sa nakaraan.
Habang naglalapit ang kanilang mga puso, mas lalo namang nagkakagulo ang dalawang pamilya.
Celestine, Amanda/Harriet, Virgilio, Oddesa, Emmy/Lupe, David, Amber at ang iba pa ay may kanya-kanyang papel sa lihim na unti-unting mabubunyag.
At kapag dumating na ang araw ng katotohanan, kailangan ni Mich pumili:
Pamilya ba o katotohanan?
Nakaraan ba o kinabukasan?
At pag-ibig ba o ang taong dapat niyang kalabanin?
"Sa liwanag, nakita niya ang katotohanan.
Sa dilim, natagpuan niya ang taong handang manatili."
Todos os Direitos Reservados