Kilalang-kilala si Jennie Almocera bilang isa sa mga kinatatakutan sa Ghaunto Dafores School. Bilang presidente ng student council, mahigpit siyang nagpapatupad ng disiplina at walang pinapalusot na estudyante. Ngunit sa likod ng kanyang bakal na disiplina, siya rin ang unang tumatakbo tulong sa mga kaklaseng may problema, maging ito man ay sa loob o labas ng eskwelahan.
Ang hindi alam ng lahat, may itinatagong sikreto ang kinatatakutang presidente - sikretong pilit niyang pinoprotektahan dahil sa takot na baka masira nito ang reputasyong pinaghirapan niyang buuin. Ngunit hindi laging nananatiling tago ang mga lihim... lalo na kung ang taong kinaiinisan niya nang husto ang siya mismong unang makakatuklas nito.
Inspirasyon mula sa anime series na Kaichou wa Maid-sama. Ang mga pangalan, karakter, negosyo, at lugar ay orihinal na likha ng may-akda.
Todos los derechos reservados