Si Philomène ay lumaki sa isang simple at konserbatibong pamilya, tangan ang paniniwalang nasa Diyos ang lahat ng awa at biyaya.
Nang makilala niya si Sainza, isang makalalaking babae na ipininta siya bilang pag-amin sa matagal na nitong nararamdaman para sa kanya, ay agad niya iyong tinanggihan.
Dahil para kay Philomène, ang isang babae ay para lamang sa isang lalaki, at ang pagkagusto sa kapwa babae ay isang kasalanan.
Pero mapagbiro nga talaga ang tadhana. Kung saan pa puwedeng magkasala, doon pa ang bagsak ni Philomène.
Alin nga ba ang dapat niyang panghawakan? Sapagkat tulad ng isang obra maestra, may mga pag-ibig na maaaring ipinta, ngunit sa bawat hagod ng pintura, kahit gaano kaganda ang isang obra, hindi nito kayang baguhin ang katotohanang walang maisusukli ang musa sa pintor.
At sa pagitan ng pananampalataya at damdamin, sino nga ba ang unang bibitaw?
All Rights Reserved