She believed in his dreams when he had already stopped believing in himself.
Si Iren Liel Mari Escaño, o Rhen, ay isang ordinaryong empleyado sa umaga at isang sikat na digital novelist sa gabi. Bilang manunulat_rhen, kilala siya sa pagsusulat ng mga kwento tungkol sa hope, dreams, at genuine love.
Pero may isang bagay na hindi niya kayang isulat-ang sarili niyang love story.
Hanggang sa makilala niya si Joseph Cecil Marco
Isang brilliant architect si Joseph na sanay sa logic, numbers, at perfect designs. Pero sa likod ng kanyang confidence ay isang lalaking unti-unting nawawalan ng tiwala sa sarili matapos pagtawanan at tanggihan ng board ang kanyang pinakamalaking proyekto-isang shelter para sa mga taong nangangailangan.
Handa na siyang sumuko.
Hanggang sa isang aksidente sa isang café sa Tomas Morato ang magdala kay Rhen sa buhay niya.
Isang natapong kape.
Isang nasirang blueprint.
At isang babaeng nakakita ng ganda sa isang design na halos itapon na niya.
"Bakit mo pa gustong ituloy?" tanong ni Rhen.
"Because I still believe in it."
"Then maybe you just need someone who believes in you, too."
Mula noon, unti-unting nagbago ang mundo ni Joseph. Sa bawat conversation, coffee date, late-night messages, at simpleng ngiti ni Rhen, mas lalo siyang nahuhulog.
Pero may isang problema.
Hindi alam ni Joseph kung sino talaga si Rhen.
At kapag nalaman niyang ang babaeng minamahal niya ay ang sikat na writer na matagal nang nagbibigay-inspirasyon sa milyun-milyong readers, kaya pa kaya niyang tanggapin ang lahat?
Dahil minsan, ang taong tumulong sa atin na maniwala sa sarili ay siya ring taong hindi natin kayang mawala.
A fanfiction story of Joseph Marco and Rhen Escaño - #RhenSeph.
Todos los derechos reservados