CROWNRIDGE: GROUND ZERO
Genre: Action • Romance • Mystery • School Life • Drama • Enemies-to-Lovers
Some people go to Crownridge to build a future.
Reiju Montenegro was sent there to rebuild herself.
Sa Japan, si Reiju Zindeah Montenegro ay kilala sa isang mundong hindi pwedeng malaman ng ordinaryong tao-isang highly trained Vanguard asset na sanay sa danger, missions, at buhay na walang puwang para sa kahinaan.
Pero matapos ang isang mission na nauwi sa matinding pagkawasak dahil tuluyan na namang nanaig ang kanyang galit, kinuha ng kanyang lolo-ang Chairman-ang lahat ng pribilehiyong nakasanayan niya.
No more money.
No more privileges.
No more Vanguard.
At higit sa lahat, no more Japan.
Kasama ang kanyang best friend at itinuturing na kapatid na si Riss, ipinadala si Reiju sa Pilipinas upang magsimula ulit mula sa wala. Kailangan niyang mag-aral sa prestigious Crownridge Academy, habang nagtatrabaho sa restaurant ng kanilang pamilya at natututong mabuhay nang hindi umaasa sa pangalan ng Montenegro.
Sa Crownridge, nobody knows who she really is.
Para sa kanila, isa lang siyang bagong transfer student-tahimik, mysterious, intimidating, at hindi madaling lapitan.
At iyon mismo ang gusto niya.
Hanggang sa makilala niya si Silver Roa Aquino.
Confident. Observant. Annoyingly persistent.
Isang taong hindi kuntento sa mga sagot na ayaw niyang ibigay.
Hindi niya alam kung bakit tila gustong basahin ni Silver ang mga bagay na pilit niyang itinatago. At lalong hindi niya maintindihan kung bakit sa tuwing nagkikita sila, mas lalong umiiksi ang pasensya niya.
Because Crownridge isn't just a school.
It's where Reiju was supposed to learn how to live again.
Pero paano kung sa lugar na iyon niya makilala ang isang taong kayang pakalmahin siya... o tuluyang mag-trigger sa pinakamapanganib na bahagi ng kanyang pagkatao?
Welcome to Ground Zero.
All Rights Reserved