Si Aiden Kobayashi ang bagong halal na Presidente ng Student Council ng Mount Juliet University. Kilala siya bilang cold, witty, sarcastic, at reserved. Gayunpaman, marami siyang tagahanga dahil sa kanyang kagwapuhan at misteryosong aura. Ngunit nang magsimulang tumanggap ang Mount Juliet University ng mga international student sa bagong academic year, nagtagpo ang landas ni Aiden at ni Thapthim "Min" Nontanakorn, isang exchange student mula sa Thailand.
Ang hindi inaasahang pagkikita nila ni Min ay tuluyang gumulo sa tahimik, introverted, at boring na buhay ni Aiden. Higit sa lahat, ipinakilala siya nito sa isang konseptong matagal na niyang nakalimutan-ang pag-ibig.
Ngunit ang pagkikitang ito ay may koneksyon sa misteryosong nakaraan ni Aiden. At habang mas lumalalim ang kanilang pagkakaibigan at relasyon, unti-unting mabubunyag ang mga lihim na pareho nilang itinatago.
Masusubok ang personalidad ni Aiden sa mga makikilala niyang samu't saring mga tao na may kanya-kanyang personalidad at karakter. Kasabay nito, kailangan niyang pagsabay-sabayin ang kanyang personal na buhay, pag-aaral, at mga responsibilidad niya sa kanyang unibersidad.
Bukod pa rito, kailangan ding makaligtas ni Aiden sa magulong kultura ng mga estudyante, kakaibang tradisyon ng unibersidad, at walang-katapusang pagsubok mula sa samu't saring kakaibang personalidad na kanyang makikilala-ngunit higit sa lahat, kailangan niyang itago ang kanyang misteryosong nakaraan upang hindi ito mabunyag.
Makaliligtas kaya si Aiden? Makakahanap kaya siya ng tunay na pag-ibig? Anong mga lihim ang kanyang itinatago?
Maligayang pagdating sa Mount Juliet University!
Ito ang Taglish version ng kuwentong ito. Mayroon din itong bersyon sa Ingles (English).
All Rights Reserved