Born to Rebel (Redline Rebellion Series 1)
BTR:
Parehong may gustong ibaon sa limot. Parehong gustong magtago.
Mula sa pagiging isang batang sunud-sunuran sa kagustuhan ng kanyang mga magulang, pinili ni Bianca ang tumayo sa sariling mga paa. Inabandona niya ang magandang buhay para sa isang bagong simula, bagong pangalan, bagong katauhan, at isang tahimik na pamumuhay sa isang lbayan sa San Emerson kasama ang naging matalik niyang kaibigan.
Subalit ang payapang mundong binuo niya ay biglang niyanig ng tadhana.
Isang gabi, isang mamahaling sasakyan at mabilis na nagmamaneho at halos masagasaan na siya nito. Ang galit at matinding komprontasyon sa pagitan nila ng drayber na si Conrad ay nauwi sa isang kagimbal-gimbal na eksena, sa gitna ng takot at pagtatanggol, nahampas ng kaibigan ni Bianca ng matigas na kahoy ang ulo ng lalaki hanggang sa bumagsak ito sa lupa na walang malay.
Nang magdilat ng mata ang lalaki ang dating matapang at matalim nitong mga mata ay napalitan ng kawalan ng alaala.
Sa matinding takot na makulong at masira ang buhay na pilit niyang itinayo, walang nagawa si Bianca kundi patuluyin at alagaan ang estranghero sa sarili niyang tahanan habang naghihintay sa pagbabalik ng alaala nito. Pero habang tumatagal ang bawat gabi sa ilalim ng iisang bubong, unti-unting nanganganib ang lihim na pilit niyang itinatago.
Hanggang kailan kayang panindigan ni Bianca ang pag-aalaga sa lalaking pwedeng maging susi sa pag wasak sa kanyang katahimikan... o ang tatapos sa kanyang pagtatago?