"Sa larong ito, bawal mahulog. Dahil ang unang umamin, siya ang talo."
Limang taon na ang nakararaan nang iwanan ni Julian Lopez si Monica Ortega para sa kanyang pangarap na karera sa Europe.
Iniwan niyang wasak ang puso ni Monica, kaya naman sumumpa ang dalaga na hinding-hindi na muling magpapatalo sa pag-ibig. Ibinaon ni Monica ang sarili sa trabaho bilang isang independent event planner kung saan hawak niya ang lahat ng kontrol.
Ngunit sa pinakamalaking project ng kanyang buhay-ang Santos-Gomez celebrity wedding-muling magkukrus ang kanilang landas. Si Julian ang kinuha ng kliyente bilang lead photographer.
Ang dating magkasintahan, sapilitang magsasama sa isang opisina.Upang iwasan ang panggigipit at pangungulit ng kanyang pamilya na maghanap na ng kasintahan, gumawa si Monica ng isang mapanganib na plano.
Aalukin niya si Julian ng isang kasunduan: magpanggap bilang kanyang "fake boyfriend" sa harap ng lahat, at kapalit nito, tutulungan niya ang lalaki na makakuha ng mga elite na kliyente sa bansa.
Walang seryosohan.
Walang totoong nararamdaman.
Purong negosyo lang.
Habang nagpapakita ng mga pekeng ngiti, nakakakilig na haplos, at mga nakaw na sulyap sa harap ng camera, unt-unting lumalabo ang linya sa pagitan ng pagpapanggap at ng katotohanan.
Kaya ba nilang panindigan ang mga patakaran, o tuluyan silang makukulong sa sarili nilang laro?
Let the game begin.
All Rights Reserved