PROFESSOR X STUDENT.
Si Elarianne Tres Abramelle, ay isang tahimik, matalino at mabait na estudyante. Most of the time, tahimik lang siya at mas pinipiling makinig kaysa magsalita.
Pero kapag kasama ang mga kaibigan niya, ibang Elarianne ang lumalabas.
Mahilig syang mang-asar at kung minsan ay siya pa ang dahilan kung bakit hindi mapigilan ng mga kaibigan niya ang pagtawa.
Ngunit sa likod ng mga biro at ngiti niya ay may isang bagay na pilit niyang itinatago ang kanyang buhay sa loob ng kanilang tahanan.
Si Adriana Noelle Montessor naman ay isang Professor na kilala sa pagiging seryoso, istrikta at masungit. Hindi siya palangiti at lalong hindi madaling lapitan ng mga estudyante.
Magkaiba sila sa lahat ng bagay.
Isang estudyanteng gumagamit ng katatawanan para itago ang kanyang sakit.
At isang propesor na hindi sanay magpakita ng emosyon.
Hanggang sa isang araw, napansin ni Adriana ang bagay na matagal nang pilit itinatago ni Elarianne.
At mula noon, unti-unting nagbago ang lahat.
All Rights Reserved