Si Chloe Eleonore San Lorenzo, o mas kilala bilang "Cleo", ay isang simpleng dalagang transferree noong high school. Sa murang edad, nakilala niya si Jack Justin Delos Reyes, o "JJ"-isang tahimik na binatang may mga matang tila kayang magsalita nang hindi gumagamit ng salita.
Sa kanilang mga taon sa high school, unti-unting nagkaroon ng damdamin ang dalawa. Ngunit hindi sabay. Habang si Cleo ay natutong mahalin si JJ nang palalim nang palalim, si JJ naman ay hindi pa handang kilalanin o aminin ang sariling nararamdaman.
Naghiwalay ang kanilang landas matapos ang high school, at sa loob ng **labinlimang taon**, hindi na sila nagkita.
Labinlimang taon ng mga tanong, alaala, at mga salitang hindi nasabi.
Hanggang sa dumating ang araw na nagpasya si Cleo na pakawalan na ang pagmamahal na matagal niyang iningatan.
Ngunit sa mismong sandaling natutunan niyang mabuhay nang wala si JJ, saka naman niya muling natanggap ang pag-ibig na matagal palang itinago ng lalaki.
Muling nagtagpo ang kanilang mga landas.
Pero ngayon, si JJ naman ang nagmamahal.
At si Cleo?
Natutunan na niyang hindi lahat ng pag-ibig ay naghihintay magpakailanman.
Minsan, dumarating ang tamang damdamin...
"sa maling panahon."
Todos los derechos reservados