Chocolate Box and Forever (Unedited Version) Published under PHR
11 parts Complete Sa lahat nang naisulat ko, this is my favorite story. Sabi nila, sobrang nakakaiyak daw itong story. Well, sobrang dami ko ring iniyak habang sinusulat ko ito. Ramdam na ramdam ko ang bawat eksena habang nagta-type ako sa laptop ko. Sana maenjoy nyong basahin ito. :)
By Anna Caroline Via (pen name ko sa PHR)
Catch line: I can't promise to be the sweetest guy on earth. Baka hindi ko mapantayan ang sweetness ng chocolates. What if I offer you forever, instead? Would that be enough?
Teaser:
Noong mga teenager pa sila, nangako sina Maxine at Isaac sa isa't isa na pupunuin nila ng magagandang bagay ang empty chocolate box nila. And they did. Hanggang sa dumating ang panahon na tumigil si Isaac sa tradisyon nilang iyon kasabay ng pagsasabi nitong: Hindi tayo para sa isa't isa. I can't marry you. And... I don't love you. Heartbroken, she then left him for seven long years. And now, she's back. Hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya rito. Katibayan ang patuloy niyang paglalagay ng magagandang ala-ala sa kahon niya. Hindi naman siguro siya hangal kung aasa siyang sa pagbubukas niya ng chocolate box at ng mga lihim nito sa harap ng lalaki ay makakamtam niya ang paglaya ng damdaming sinikil niya para rito. With the passionate way he kissed her during her stay, tila nais niyang mangarap na susuklian din nito ang pag-ibig niya...