Lahat ng tao alam kung ano ang tinatawag nating Long Distance Relationship o mas kilala sa tawag na LDR. Pero hindi nila alam kung gaano kahirap ito. Hindi naman kasi lahat eh nararanasan ito. May mga masweswerteng tao na hindi dumadaan sa ganitong relasyon dahil kasama naman nila ang mga taong mahal nila. Nayayakap, Nahahalikan, Namamasdan, Nakikita, Nahahawakan at Naalagaan. Maswerte ka kung nasa isang relasyon ka na nakakasama mo ang mahal mo. Sa LDR kasi, maraming negative sides. Pwede kang lokohin ng partner mo o ikaw mismo ang manloko. Pwede mong gawin ang lahat ng ayaw nya dahil hindi mo naman sya nakikita. Pwede mong kausapin ang kahit sino ng walang inaalalang magseselos dahil malayo naman sayo yung tinatawag mong boyfriend/girlfriend. Marami pang pwede sa LDR. At hindi din natin mababago na kapag malayo sayo ang taong mahal mo, posible talaga na mapalayo din ang loob nya sayo, o ikaw sa kanya. May mga kilala akong naging successful sa pag ibig while in a LDRelationship. Pero mas madami akong kilala na nag fail sa relasyong ganyan. Ako kaya? Mararanasan ko kaya ang klase ng relasyong ganyan? ------ This is my first story sa wattpad. Kung may nakabasa ng "My Bestfriend's Prince Charming" na una kong pinublish na story eh, dinelete ko na po dahil nakalimutan ko na ang takbo ng kwento na yon. Hahaha! Btw, thanks kina Bea, Jannel, Camille and Gold dyan sa mga bebe ko na nagiging inspirasyon ko para gawin to. Hehe. And kay Ruthy Labs ko na lagi kong kasundo sa mga ganitong bagay. Hehe! Support me guys. Please <3 Vote, Be A Fan and Comment po kung nagkaLDR na din kayo, kasi ako OO. xD #Lovelots. <3
13 parts