Silvian "Silv" Mandejo grew up believing that there was something wrong with her. Sa murang edad, sanay na siyang tawagin ng mga taong dapat sana'y unang magmamahal sa kanya ng "useless," "dumb," "malandi," at "ugly." Hindi lang sa loob ng kanilang bahay niya naririnig ang mga salitang iyon. Pati sa mga kamag-anak niya, parang naging tradisyon na ang paghahanap sa kanya sa bawat pagtitipon, para pagkaisahan, pagtawanan, at iparamdam na wala siyang halaga.
Kaya nang dumating ang panahon na kailangan niyang pumili kung sino ba talaga siya, pinili niyang maging babaeng hindi na kailangang humingi ng pahintulot para mabuhay. Pumasok siya sa mundong kinamumuhian at hinuhusgahan ng maraming tao, isang mundong tinatawag ng iba na marumi, kasalanan, at kahihiyan. Pero para kay Silv, hindi iyon ang buong kuwento. She sees it differently. Para sa kanya, iyon ang paraan upang makilala ang sarili niyang halaga. Isang anyo ng sining. Isang mundong kung saan siya ang may kontrol sa kung paano niya ipapakita ang sarili niya. At sa unang pagkakataon, hindi na siya ang batang tinatawag na pangit, bobo, o walang silbi. She finally feels beautiful, and she is content with that.
Hanggang sa may isang lalaking dumating at unti-unting ipinakita sa kanya ang isang bagay na matagal niyang hindi kayang paniwalaan: hindi niya kailangang sirain ang sarili niya para mapatunayan na karapat-dapat siyang mahalin. Hindi niya kailangang maging kung ano ang gusto ng ibang tao para maging maganda. Hindi niya kailangang bayaran ang pagmamahal gamit ang sarili niyang halaga. At higit sa lahat, hindi niya kailangang maging isang bagay para lang mapatunayan na may halaga siya.
Pero paano kung ang taong unang nagturo sa kanyang makita ang sariling halaga ay siya ring magpapaisip sa kanya kung tama ba talaga ang mundong pinili niyang tawaging tahanan?
Because sometimes, the hardest price to pay isn't for tomorrow. It is the price of finally learning your worth.
Seluruh Hak Cipta Dilindungi Undang-Undang