ANG EKSPIDISYON
Drama • Adventure • Mystery
Isang lumang litrato. Isang mapa. Isang susi. At isang lihim na nagsimula noong 1989.
Si John White, isang high school student, ay hindi inaasahang matutuklasan ang isang lihim na matagal nang itinago ng kanyang ama, si Freddie White. Noong 1989, nagpunta si Freddie sa isang misteryosong lugar sa Northern Mountains kasama ang kanyang dalawang kaibigan na sina Daniel at Victor. May hinahanap sila roon-ngunit matapos ang kanilang ekspedisyon, hindi na muling nakita ang dalawang kaibigan.
Lumipas ang maraming taon.
Sa kasalukuyan, kasama sina Will at Carl, sinimulan ni John ang sariling paghahanap upang malaman ang totoong nangyari sa nakaraan ng kanyang ama. Si Mich, na hindi sumama sa mapanganib na paglalakbay, ang tumayong researcher ng grupo at nagbibigay sa kanila ng impormasyon tungkol sa lugar, altitude, mapa, at mga posibleng panganib.
Ngunit pagdating nila sa misteryosong lugar, natuklasan nilang hindi ordinaryong bundok ang kanilang pinasok.
Huminto ang oras.
May mga simbolong hindi nila maipaliwanag.
May mga bakas ng ekspedisyon noong 1989.
At sa isang lihim na silid, natagpuan nila ang dalawang rebultong bato na eksaktong kahawig nina Daniel at Victor.
Hindi alam ni John kung sino ang gumawa ng mga rebulto.
Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa dalawang kaibigan ng kanyang ama.
At higit sa lahat, hindi niya alam kung bakit tila may mga taong gustong manatiling nakatago ang katotohanan.
Habang palalim nang palalim ang kanilang paglalakbay, matutuklasan ni John na ang ekspedisyon ng kanyang ama ay hindi simpleng pakikipagsapalaran.
Ito ay isang lihim na maaaring magbago sa kanyang pagkaunawa sa kanyang pamilya, sa nakaraan, at sa lugar na kanilang pinasok.
Dahil minsan, ang pinakamapanganib na paglalakbay ay hindi ang pagpunta sa isang lugar-kundi ang pagtuklas sa katotohanang matagal nang itinago.
All Rights Reserved