Pag Valentine's day maraming nakakatanggap ng bulaklak, chocolates, teddy bear, at marami pang iba. Maraming nagde-date. Maraming in-love. Marami din namang Emo kasi walang jowa. Maraming masaya kahit walang lovelife kasi may family at friends naman silang nagmamahal.
Dati wala namang something special para sakin sa araw na to kasi para sakin araw araw naman e dapat nagmamahalan tayo. Pero mula ng unang Valentine's day ko sa college, naging makabuluhan na sa akin ang araw na ito.