"Bakit parang lagi kang may dahilan para bantayan ako, Sir?"
Sa unang araw ni Leigh Sebastian Gomez bilang bagong employee, ang tanging gusto lang niya ay makapagtrabaho nang maayos, maka iwas sa office drama, at matapos ang bawat araw nang walang problema.
Pero hindi niya inaasahan na ang pinakamalaking problema niya ay ang sarili niyang boss.
Si Ron Alec Verniz, kilala bilang cold, intimidating, at almost impossible to please. Sa office, sapat na ang isang tingin nito para tumahimik ang buong department. Kaya naman hindi maintindihan ni Leigh kung bakit sa tuwing siya ang involved, biglang nag-iiba ang boss niya.
Laging napapansin ni Ron ang maliliit na bagay tungkol sa kanya.
Kapag pagod siya, alam nito.
Kapag hindi pa siya kumakain, napapansin nito.
At kapag may ibang lalaking masyadong lumalapit sa kaniya, biglang nawawala ang pagiging professional ni Ron.
Ang hindi alam ni Leigh, hindi naman talaga galit sa kaniya ang boss niya.
He's secretly in love with him.
Tous Droits Réservés