PILIPINO ANG WIKA KO Ang wikang pilipino mayaman sa kultura alphabeto nito'y binubuo nang abakada kahit noon pama'y pilit binubura nang mga mananakop na banyaga. Ngunit salamat sa magigiting na bayani Wika nati'y kanilang napanatili, kanilang ipinagtanggol at ipinaglaban mula sa mga dayuhan. Dahil sa wika natin tayo'y tinawag na makata may katangiang kakaiba na di maikukumpara sa iba kung bibigkasin mo animo'y kumakanta, sumasabay sa indayog nang makatang tumutula. Wika natin sa Pilipinas ay iba-iba may wikang katutubo san ka man mapunta, Luzon, Visayas at Mindanao salita'y iba-iba ngunit sa Wikang pilipino tayo'y nagkakaisa. Namulat tayo sa pangaral ni Rizal na ang di magmahal sa kanyang sariling wika, ay higit pa sa mabaho't malansang isda. Kaya dapat lng pagyamanin at gamitin. Ipagmalaki natin ang wikang pilipino na syang humubog sa ating pagkatao kasaysayan nito'y kultura natin Kaya tayo ngayo'y kilala sa mundo bilang Pilipino.All Rights Reserved