Hindi ito istorya ng pagmamahalan. Walang nakakakilig dito. Pero yung tipong Nasaktan? Naiwan? Pinaasa? Siguro, meron. Ako si Basty, at kung gusto mong ituloy ang pagbabasa tungkol sa pinagdaanan ko. Di kita pipigilan. Lahat naman tayo, may choice. Lahat naman tayo may karapatang gawin anuman ang gustuhin natin diba? Sa totoo lang, gusto ko mamuhay ng normal. Pero mukhang nung inikot ng tadhana ang roleta ng pantitrip. Tumigil ito sa pangalan ko.