Ang nobelang ito ay nasimulang isulat noong June 2-naudlot na 1st Year Anniversary sana nung nagsulat ng kwentong ito. Itong kwentong ito ay para sa mga taong umaasa pa sa second chance, sa tadhana, na matutupad pa ang dalangin nila na mahalin sila ng taong mahal nila. Ito ang mga kwento nila Jeric at Camille, Kristian at ED, at higit sa lahat kina Jeremiah at Micyka. Maibabalik kaya ng mga luha ng isang tunay na nagmamahal ang nakalipas. Dapat pa bang hawakan ang pangako sa isang taong di naman hinawakan ang pangako para sayo? Dapat ka bang maghintay sa isang taong di mo alam kung dadaan pa sa pangalawang pagkakataon? Minsan talaga kahit may mga taong mahalaga sa buhay natin lalakad ito papalabas sa buhay natin. at wala talaga tayong magawa kundi panoorin na lang ang mga oras na ito. Pero wag tayong mag-alala sigurado babalik sa atin ang pagmamahal na iyon di man sa taong gusto mong paglaanan ng pagmamahal pero sigurado akong babalik yon. Just Enjoy Reading :) And God Bless us All :)