Nagsimula tayo sa wala. Inakala kong may sinimulan pero wala. Hindi man magkaroon ng tinatawag nilang "tayo". Patuloy parin akong aasa. Pero hanggang kailan nga ba ako aasa?
Umaasa ako na sana...
malaman mo na, nandito naman ako.
Hanggang kailan ako aasa? Oo, mahal ko siya. Sobra. Pero hanggang kailan ako aasa na balang araw, mamahalin rin niya ko? Di ba di naman yun inaaral? Kusa mo yung nararamdaman. Pero dahil nagmamahal ako, nagpapakatanga ako. Aasa nalang ba ko na mamahalin rin niya ko o pipilitin kong kalimutan siya?...