Sabi nila, Ang pag-ibig pag dumating "Grab it & Hold it" dahil sa dami ng tao na pwedeng makatanggap, Ikaw pa ang nabigyan.
Kaya naman, Simula nang makaramdam ako nito pakiramdam ko, Ako na ang pinaka-Maswerteng tao sa mundo.
Ngunit, Hindi ko napansin na sa sobrang saya ko, Umasa na ako na mahal nya ako.
At dahil dun, Nakalimutan ko na "KAIBIGAN LANG PALA AKO" na umaasa na mamahalin din ako pabalik.
Kaya, Nag-confess ako sa kanya ng aking tunay na nararamdan.
At 'yon, Nasaktan lang ako ng Paulit-ulit.
Pero, Sa gitna nang aking kalungkutan, May malalaman ako na magbabago sa lahat.
Ako si Jade Fernandez, I'm Gay pero hindi ko sya inaamin sa lahat. Malambot ako kumilos at magsalita, Pero ayoko magsuot ng pambabae. Pag tinatanong ako kung Gay ako, Hindi na ako sumasagot, Sila na bahalang humusga. Hindi ako Gwapo, Hindi din naman ako Pangit. Moreno at Maliit lang ako sobra! Cute daw ako sabi nila, Hay basta!
Tunghayan ang aking Kwento sa paghahanap ng PAG-IBIG.
-ImYourSecretReader
Bigla akong napatingin sa panyo na sumulpot sa aking harapan. Galing ito sa lalakeng katabi ko.
"Ang lalim ng iniisip mo, hindi mo yata napansin na umiiyak ka na."
Nabigla ako sa sinabi niya. Kaagad ko namang pinahid ang aking mga luha. Tama siya, umiiyak na pala ako ng hindi ko namamalayan. Hindi ko tinanggap ang panyo na inabot niya, dahilan para mapilitan siyang bawiin ito.
"Kailangan mo ba ng kausap?" malumanay niyang tanong. Umiling lang ako bilang sagot. Sa labas pa din ng bintana ang tingin ko.
"Sabi nila, maganda daw mag kwento ng problema sa isang stranger. Para ka daw nakipag usap sa isang Human Diary. Hindi mo iisipin na baka malaman ng mga taong malalapit sayo yung kinikimkim mong sakit"
Napatingin ako sa kanya pagkatapos niyang magsalita. Hindi ko alam, pero parang nasabi ko na ang mga iyon. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi.
"I'm willing to be your human diary. Sabihin mo sa akin lahat at hindi kita huhusgahan."
Sa isang iglap ay medyo nabawasan ang bigat na nararamdaman ko.