Mayaman. Maganda. Matalino. Mabait. Ganiyan ang mga sinasabi ng tao kapag napupunta sa usapan si Hannah Garcia, ang anak ng kilalang mag-asawang Garcia na kilala bilang Ms. Perfect.
"Masuwerte kami at kami ang naging magulang ng anak naming si Hannah" Ayan palagi ang sinasabi ng kaniyang mga magulang sa mga taong nasa paligid nila.
Buong buhay ni Hannah ay sinusunod niya ang lahat ng iutos sa kaniya ng kaniyang mga magulang. Gusto niyang maging mabuting anak sa kanila. Kapag ayaw ng mga magulang niya ay itinitigil na lang niya kahit labag sa loob niya, gusto niyang maging masaya ang kaniyang mga magulang.
Isang araw, nalaman nalang niya na mayroon na siyang mapapangasawa. Si Nathaniel Zapanta, ang kabaligtaran niya. Kung siya ay kilala bilang 'Ms. Perfect', si Nathan naman ay kilala bilang 'Mr. Bad boy'. Lahat ng gusto niya ay ginagawa niya, wala siyang pinapakinggan kung hindi naman niya gusto ang pinapagawa sa kaniya.
Kaya naman nagpasya ang kanilang mga magulang na ipagkasundo ang dalawa. Ngunit sa una palang na pagkikita ay ayaw na nila sa isa't isa. Pero dahil wala silang magawa, nakipagdeal si Nathan kay Hannah.
"Let's have a deal, 3 years. Let's live together for 3 years, then we will divorce right after that"
"Deal!"
Ngunit sa pagtagal ng panahon na nagsama sila, bakit parang nagiiba na ang kanilang pagtingin sa isa't isa? Bakit parang nagiging totoo ang kasabihang, "Opposite attracts each other", sa kanilang dalawa? O hindi! Hindi mangyayari iyan! Pero, hindi nga ba?
Posted: July 1, 2015
Ynessa was in an unhappy marriage with her husband, Tage Lasten Del Prado. After 5 years of unhappy marriage, Tage decided to file a divorce na inaayawan naman ni Ynessa. She did everything to have him kaya hindi niya basta-bastang isusuko nalang ang asawa.
Ynessa don't trust people easily. Maybe that was the reason why she doesn't have friends na pwede niyang pagkwentuhan ng problema niya tungkol sa asawa.
Gusto niya lang naman magkaroon ng pamilyang masasabi niyang kanya. A husband na makakatuwang sa habang-buhay, anak na magpapawi ng mga pagod at lungkot niya at mga kaibigan na maituturing niyang pamilya. Was it too hard to have? 'Yan lang naman ang hiling niya.
She was never been loved by her family on both her parent's side. She tried hard to fit in. Pilit nakikipaglaro sa mga pinsan kahit pinagkakampihan siya ng mga ito. They would steal her toys and break it. They would slap or pushed her and will act like she was the villain while crying when their parents are near. Papaluin siya ng mga magulang nila. Her parents won't know kasi busy sila sa kompanya. Since then, wala siyang naging kakampi. She may have all the material things but she never had an affection from family. She never felt to be in a family.
Kaya nung nakilala niya si Tage, pinangako niya sa sarili niya na makukuha niya ito. She never get the love of her relatives but she'll get his. And up until now, she's still trying her best to have it. Doing her very best to get it. Kaso ang hirap. Ang sakit-sakit ng mahalin ang asawa niya. Nakakaramdam na siya ng pagod pero ayaw niya pang tumigil. Gusto niya pang ilaban kasi ayaw niyang may pagsisihan siya bandang huli. Ayaw niyang mabuhay sa what ifs and what should have been kaya kahit masakit, she'll do everything para ipaglaban ang pagmamahal sa asawa.