Humiling ka na ba na sana bumalik ka sa nakaraan para mabalikan ang mga alaalang alam mong hindi na mangyayari pa? O para itama ang mga pagkakamaling nagawa mo noon? Naranasan mo na bang maisip na sana bumagal o huminto ang oras dahil ayaw mo pang matapos ang iglap? Na ang tanging oras lang ang makakapagpatapos sa ibang mga bagay kaya nais mong pabagalin ito? Naisip mo ba na sana bumilis ang oras? Yung panahong puro sakit, paghihirap, naiinip, kaya gusto mong bumilis ang oras? Yung alam mong ang oras lang ang makakapaghilom sa sugat mo? Yung alam mong oras lang ang solusyon para malaman ang mga kasagutang hindi masasagot ng kahit ano sa kasalukuyan? Papano kung magkaroon ka ng tsansang mahawakan at makontrol ang oras? Papano mo ito patatakbuhin? I want my pain to heal fast. I want my happiness to last. I am now the goddess of time. I'll let my time fly the way I like.